A Davao dream (Cebu stopover)

By venjo • Aug 10th, 2009 • Category: Roam

Sa ikalawang pagkakataon nakarating ako ng Cebu, wala sa plano at biglaan. May mga importanting gamit kasi ang isa sa mga kakilala ko na di makapunta ng Davao dahil walang libreng oras para magpunta. Busy masyado kaya ako ang naisipang papuntahin para i-pickup ang mga gamit. Davao yon, isa sa top destination ko last year na hindi natuloy kaya di na ako nagdalawang isip, “oo” kaagad! Pagkakataon! dahil kung hindi, malamang di na naman ako matuloy ngayon dahil parang wala akong nakikitang budget na darating para magamit sa Davao trip ko. Crisis pa rin eh. :)

Sunset in Marcelo Fernan bridge, connecting Cebu and Mactan island

Wala akong ideya kung papano ang papuntang Davao galing Samar. Alam ko lang may plane mula Manila hanggang Mindanao at Cebu to Davao. Pinakamalapit para sa akin ay Cebu kaso nong araw na umalis ako ay wala palang schedule ng barko papuntang Cebu. Mula Catarman dumiretso ako ng Tacloban, alam ko maraming mapagpipilian don papuntang Cebu. Sa normal na takbo ng sasakyan, limang hanggang anim na oras ang biyaheng Tacloban at ginawang apat na oras lang ng Van driver. Sa unahan ako nakasakay non at mabilis magpatakbo ang driver. Naranasan mo na bang magdasal at magtext sa mga kaibigan mo na ipagdasal na lang ang kaluluwa mo dahil parang sure an ang pagpanaw mo oras na magkamali ang driver? Ako, for the first time, pati nanay ko ti-next ko rin para alam nila na mawawala na ako hehehe….Minabuti kong matulog na lang para kung sakaling babangga kami o mahulog man sa kung saan ay di ko maramdaman ang paglapit ng disgrasya.

“Ormoc! Ormoc!… parang nananaginip lang ako sa narinig ko… “Sir gising, nasa Tacloban na po tayo… kakahiya, matagal-tagal na pala akong ginigising nong driver dahil ako na lang ang sakay, nagbabaan na yong ibang pasahero. Sa isip-isip ko, hay salamat at nasa lupa pa pala ako hehehe, kala ko nasa stretcher na ng hospital papuntang ER!!! hehehe…. 12:15 ng madaling araw, ‘kala ko alas dos pa ang dating namin, tulog lang pala ang panlaban sa takot ng bilis ng sasakyan. Pagkababa nagtanong-tanong ulet kung anong oras may biyahe papuntang Ormoc. 4:30 daw meron, yong shuttle service ng SuperCat, apo ng Superferry, na papuntang Cebu. Nakitulog muna ako sa bus teminal, aircon at madami din palang natutulog kala ko ako lang. Kampante akong matulog na hindi masyadong inaalalang may mandurukot dahil may mga pulis na naka-duty sa terminal. Alam ko matitino ang pulis sa Tacloban.

Mactan bound

Pagdating ng alas kuwatro nagising ako sa ingay ng isang baliw na nakapasok sa terminal, pilit pinapalabas ng mga pulis dahil nanggugulo sa mga natutulog. Diretso na ng cr at naghilamos, salamat sa sponsor ng ponds hehehe, panlaban sa mantikang naipon sa mukha ko… :)

Dumating na ang driver sa bus ng SuperCat papuntang Ormoc. 8:00 ng umaga naman ang alis ng SuperCat mula Ormoc, dalawa’t kalahating oras papuntang Cebu. Pagdating ng Cebu diretso ako ng SM, yong lang ang alam kong di ako maliligaw, nagtanghalian at bumili ng ticket para Davao. Kelangang kong magpalipas ng gabi sa Cebu dahil sa susunod na araw pa ang schedule ng flight papuntang Mindanao.

Pagkalabas ng mall naghagilap ako ng mapagtatanungan kung saan sakayan papuntan airport para di na ako maligaw kinabukasan. Taxi na lang daw para mabilis. Eh tinitingnan ko ang budget baka kapusin, jeep na lang daw maraming sakayan papunta don. May dalawang pulis na lumapit at tanong kung saan daw ang punta ko. Mas bata sa kin kaya imposibleng mga kutong boys to. Tinuro nila sa kin ang pinaka-cheap an sakayan papuntang Mactan Airport, pati matutulugan may ni-suggest na din sila. Daan na rin daw ako sa park ng bagong tulay ng Mactan, ok daw magtambay don.

Harana boys

Sunod naman ako sa sinabi ng dalawang pulis, lakarin daw ang tulay mula Madaue hanggang Mactan, maganda raw yong sunset at may park din daw na pweding tambayan habang inaantay yong paglubog ng araw. Lahat yon tumama, maliban sa park na kasalukuyan pa ring dini-develop. Pero yong tulay at sunset shots? sana magustuhan nyo.




Tagged as: , , , , ,
This entry was posted on Monday, August 10th, 2009 at 4:01 pm and is filed Roam under . You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.


3 Comments on "A Davao dream (Cebu stopover)"

  1. SOL on Tue, 11th Aug 2009 2:42 am 

    wow!!! para akong nagbasa ng pocketbook.. “naranasan mo na bang magdasal at magtext sa mga kaibigan mo upang ipagdasal ang kaluluwa mo? i like that part!! at may commercial pa!! ponds! d na lang eskinol hahaha!!! but of course, i like the bridge and the sunset.. may kulang ata? bakit walang pix yong tinaguriang the fruit that smells like hell but tastes like heaven? duriannnnnnn!!!!!! anyway, it’s always fun to read tour travelogue.. more travels to come..

    p.s. bakit supercat yong apo ng superferry, why not superdog or supersheep?

  2. Nortehanon on Wed, 12th Aug 2009 12:15 am 

    Hindi ko pa nagawa ang byahe na yan ah, Catarman to Davao via Tacloban and Cebu. Tagal naman ng byahe mo. Pero nakakaenjoy naman magbyahe, di ba? The longest I’ve been on a trip, maliban siyempre sa byaheng Catarman-Manila, is going to Boracay then to Aklan then to Iloilo by bus. Kaiha! Lalo na’t there were stopovers sa mga ports na dinaanan. But it was fun. It was an unforgettable RoRo experience hehehe.

    So you’re in Davao now? Ang swerte mo naman, libreng trip! Enjoy, enjoy enjoy!

    P.S.
    Loved your shot of the sunset at the Marcelo Fernan bridge.

  3. ukaya explorer nikoy on Fri, 25th Dec 2009 7:33 am 

    merry christmas venjo! kailan ka ulit bibisita dito? sana mapasyal ka na namin.


If you want a pic to show with your comment, visit gravatar dot com!