Tagay!
By venjo • Oct 21st, 2009 • Category: RoamOctober 18, 2009 – Click! yan ang unang tunog ng shutter nong camera ko at si Manong Gerry na naman ang napagtripan ni denver. Isang hudyat na mas marami pang mai-snipe na photographers at mga taong lalahok sa pag-break sa kasalukuyang record ng pinakamaraming tumagay ng wine na sabay-sabay, world record yan at Spain ang may hawak nong 2006.

Gerry of Calle Z cafe
Siya ang may pakana sa lahat ng ito kung bakit ako napunta sa Tacloban ng wala sa oras. Wala naman akong utang sa kanya. (Praktis lang)
Sersyoso na to: Siya ang nakakuha ng kontrata para sa documentation ng “Tagay” event at [ako naman ang ma-swerteng nanalo sa lotto nong isang taon] ako naman ang naisip nyang pweding isali sa lineup ng team na binuo nya para mag-shoot sa event. Ahem! Dati yata akong electronics technician, baka nagkakamali sya sa pagkuha sa akin. Buweno naniniwala naman ako kahit kanino lalo na pag sa UP nag-aral, sigurado matalino yon! At sa UP Diliman nga s’ya graduate. Marami syang alam sa larangan ng digital at analog. In short isa na syang alamat ng Tacloban, on going pa nga lang yong discovery sa pagkatao nya dahil mas madami pa yong oras na gising sya kesa sa magpahinga sa pamamagitan ng pagtulog sa gabi. Weird nga eh. Tulad na lang nong gabi pagkatapos nong Tagay event, sabi nya uuwi sya ng 9pm sa bahay nila para magpahinga pagkatapos nyang mag-attend sa awarding nong photo-contest na di ako nakasali. Sila din kasi ang organizer nong patimpalak na yon eh, sayang, pagkakataon ko na sanang ibunyag na kaya kong mag-compose ng picture na kakaiba, sayang yong apat na libo! Pambili na sana ng celfone na may mp3. (kung sakaling mananalo ako) Tsk, tsk!

A family that shoots together, damo it picture!
Kay sir Gerry ulit – sabi nya by 9pm nasa bahay na silang pamilya. Nag-text ako an di na ako pupunta ng 9pm papahinga ko nalang dahil (bubuksan ko ang facebook ko). Kinabukasan, kahapon yon, pumunta ako sa kanila ng 8:00 am, tinext ko, walang reply. Txt ulit, wala pa rin. Bumalik na lang ako sa bahay na tinutulayan ko, nag-empake sabay nagpaalam na ako’y aalis na papuntang Van-Van terminal para makahabol sa bangka patungong Bohol. Pagdating ko ng pier, 10:00am na yon, may text, si sir Gerry: “Hi denver, sensya 7:00am na kami nanguli, kamamata ko pa gud la yana.” asya iton hi mano Gerry, diri nakaturog ha gab-i. *peace*

Cowboy Omeng


At ito naman si Omeng, isa rin sa mga sniper na kasama sa team. Para akong taong natalo sa sabong don sa kuha nya eh, di man lang ko kinunan ng medyo masaya ang mukha ko hehe.. Madami syang shots, inggit nga ako don sa fish eye shots! wala akong magawa mahal ang lens na ‘yon eh.

Two liters versus the thousand waray-waray
Yong mga waray-waray ay sikat pagdating sa lasingan lalo na pag tuba ang nakahain. Di ka uurungan, sigurado yan. Di pa kasi nagsisimula ang programa ay meron nang nag-uumpisang tumungga sa tuba kaya panay reklamo nong mga NSTP students na taga-tagay inatasang magbantay sa tagay, bilang daw kasi ang tuba kaya wag munang inumin. Narinig ko nga sa isang performer/singer sa stage, “helloooo mga kababayan!! malipayon ba kamo??” (masaya ba kayo?) sabi naman ng nasa likod ko “diriiiii!!!!” (hindiii!!), ganon an mga waray-waray pag sumagot, parating pabaligtad sumagot lalo na pag nabibitin sa inum… hehehe

Tagay na to
Tong isang to parang pamilyar sa kin ang mukha at nakalimutan ko lang ang pangalan. Pa-cute pa sa picture-picture, nang-iinggit ba.

Hellow, dito may free hug tagay naman dito!..

Bat ka nakatingin sa akin?!..

I have returned!..matagay kami!!

Agi! Kasaplod ngani han iyo bahalina!

Ayaw hin aringasa kay paraghubug ka liwat

Kami espesyal tuba it amon.

Tagaaayyyy?!..

Lianne on Sun, 25th Oct 2009 4:22 am
Nice shots! You really have a talent! Explore and develop it more. I am looking forward to your PNHS project. Good luck and God bless in all your future endeavor!
SOL on Mon, 26th Oct 2009 3:16 am
iba nga siguro talaga ang tuba ng leyte, imagine kayang humakot ng kulang walong libong tao for a sip? that wine must be special!! i think the most remarkable thing in breaking world records is not the title itself but the effort and drive of the people to take it and be listed in guinness.. i hope that because of that title, tuba would be introduced to the world and we’ll have a genuine filipino product to be proud of.. (SMB is also philippine brewed but we know from history that the ingredients and idea is Spain’s) so, if tuba can only find support from the government with the right marketing and strategy, waraynons all over the world would be very proud..
i think there’s no need to describe your pictures, syempre alam naman ng lahat na basta kay denver, it must be good (parang if its from seiko, it must be good hehehehe) actually, good is an understatement, it should be, excellente!!!
lino on Mon, 26th Oct 2009 3:31 am
nice den… di ko alam yang event na yan… ibig sabihin magaling ka, kse handpicked ka eh…