Bohol – balik jud ko!
By venjo • Oct 27th, 2009 • Category: Opinions
Katatapos lang ng Octubafest non, yong merong “Tagay”. October 19 nasa Tacloban pa ako nag-iisip kung saan ang mas mabilis byahe patungong Bohol. Nagka-enteres kasi ako sa gaganaping convention ng mga historians sa Bohol. Gusto kong makita at makasalamuha ang mga taong masisipag pagdating sa pananaliksik ng mga lumang impormasyon nong panahong di pa tayo pinapanganak, panahon bago at pagkatapos sakupin ang Pilipinas ng mga Kastila.
Ang alam ko lang na daan patungong Tagbilaran sa Bohol ay ang Tacloban – Ormoc, Ormoc -Cebu, at Cebu – Tagbilaran (Bohol), mahabang sakayan di ba? Mabilis naman lahat yon kaso mas mataas ang presyo ng pamasahe. Isa sa mga natanong ko ang nagsabi na sa bayan ng Bato Leyte ay merong bumibiyahe na deritso ng Bohol, 3hrs lang daw ang pagtawid. Masaya to sabi ko, di pa kasi ako nakakarating ng ibang bayan ng Leyte maliban sa Tacloban, dati sa Ormoc kaso napadaan lang. Dapat daw ay maaga akong sumakay papuntang Bato Pier dahil tatlong biyahe lang sa isang araw, 9:00am, 2:00pm at 6:00pm. Gusto ko yong sa umaga para alam nyo na, sayang ang charge ng camera battery pag sa gabi ang habulin kong sakay.

Di pa rin naman natuloy ang balak kong sa umaga sumakay dahil kelangan kong i-submit ang pictures ng “Tagay” fest para sa documentation. (Naisip ko kasing baka ma-corrupt ang memory card ko at wala akong maipasang pictures.) Dalawa pa naman ang option ko para makarating ng Bohol, yong pang 2pm at pang ala-sais. Tanghali na nang makasakay ako, past 11-am na yon. Salamat naman at mabait ang aking “Anghel na tagabantay”, may isang libre pang upuan sa van patungong Bato, at sa unahan pa, pagkakataon kong mapagmasdan ang kagandahan ng ibang parte ng Leyte.

Nakikisama talaga ang araw na yon sa akin dahil pagdating ng pier ay papaallis naman ang 2pm trip to Bohol, sa madaling salita nakahabol ako sa day trip.

Nagawa ko ang normal kong gawain habang naglalakbay, ang pagtripang kuhanan ng picture ang lahat ng kakaiba sa paningin ko. Tulad ng steering mechanism ng malaking bangka na gawa sa kahoy. Kadalasan kasi sa mga ganitong bangka ay steering wheel ng kotse o jeep ang ginagamit pero dito ay gawa lamang sa kahoy. Kakaiba di ba? Para sa aking kakaiba kasi ngayon ko lang nakita.

Ang kalbong kabundukan ng isang isla malapit sa Bohol. Ganon na siguro ang mga bundok ng Bohol, naka pattern sa chocolate hills na walang kahoy na tumutubo. 5:25 nasa Bohol na ako, sa bayan ng Ubay.
>>Sa pier.
>>Madaming tao.
>>Pedicab drivers.
>>Dumaong ang sinasakyan kong bangka.
>>Nagpanhikan ang mga driver.
>>Kala ko mag-aagawan sa bagahe.
>>Mali.
>>Nanunuyo lang pala.
>>Na sumakay kami sa pedicab nila.
Kala ko masisira na ang first empression ko sa mga Boholano na walang nakikipag-agawan ng bagahe sa bus terminal man o sa daungan. Panalo pa rin sa puso ko ang mga Boholano. Sana ganon din sa ibang parte ng Pilipinas. Walang makulit na haharang harang sa mga pasahero. Walang tagaan pagdating sa presyuhan ng pamasahe. At walang nakikipag-agawan sa bagahe ng mga pasahero. Sana… ganon din sa amin, sa Samar……
