The Plunge
By venjo • Nov 9th, 2009 • Category: Roam
Last lunch
Pagkain. Ito yong tinuring kong last lunch ko bago ko ipagpilitan sa sarili na hindi na ako natatakot sa matataas na lugar.

The Plunge’s slogan
At ito naman ang slogan ng “the Plunge” experience. Parang sinabi na ring binabayaran don ay ang maranasan ang huling segundo na naging feeling ng isang taong nahulog sa 70 storey building. Sasabihin ko mamaya kung anong feeling.

Safety harness
Ang magsisilbing protection para di na maranasan ng tatalon ang mangyayari sa tunay na buhay, ang totoong pagbagsak sa batuhan! Ang nagpapasarap sa buhay ng tao, ang pagiging bitin….yong feeling na “muntik-muntikan” o malapit na sa katotohanan. Kaya maraming tumatalon don, mga babae pa.

Release platform
Ito naman ang pinaka pulpito, kung saan magsisimulang magdasal ang nag-aalinlangan.

Adrenalin starter
At siya naman si Eva, tagapagtanggal ng takot at…. alam nyo na.

Start of the novena
Simulan ang mesteryo ng rosaryo….

Serious, nervous, praying Denver
Di ko alam kung seryoso ako non o nangangatog lang. Tinatago ko yong kaba, nakakahiya sa mga katabi nong photographer na nag-pi picture sa akin. May bata, nanay, tatay lola at mga nakikiusyoso sa mangyayari kung sakaling mapuputol ang tali.

My photographers eye sight
Ito ang paningin ng photographer habang inihahanda ang paghulog sa kin…

Seconds to a big fall
At luminaw ulit nong ako ay patiwarik na, dalawang segundo bago ang katutuhanan…

Bomb’s away
Sabi nong humahawak sa release ng kable, “Ridi ka Ser?”, sabay bilang 3!….2!….1!…bombs awayyyyyy!!!!!!! Nrinig ko na lang non ay parang may sumabog at nakitang kong lumalayo ang platform…..at..wala na, di ko na alam…

2-3 seconds with no soul
Heto pala ang itsura ko nong point na wala akong alam, dalawa ata o tatlong segundo na di ko alam ang nangyari.. parang naiwan sa ere ang aking kaluluwa nong biglang bumilis ang bagsak ko.

My soul is back!
Pero humabol din naman kaagad sa katawan ko ang aking kaluluwa, kita nyo sa itsura ng kamay ko, don pa alng ako nagsimulang sumigaw..kunyari tarzan, nanginginig pala… totoo, nanginginig ako sa puntong yon…

Regained my voice
Unti-unting nawala naman ang nginig sa aking kalamnan nong “swing mode” na, tapos na ang free fall…

Smiled again
At, nalaman ko na ulit kung saan ang camera ko….

Tapos na, pakiahon naman po…

Ascending
At dito nagtatapos ang picture ng nalow-bat kong camera…

iRonnie on Mon, 9th Nov 2009 3:54 am
grabe di ko yata kakayanin to!
den on Mon, 9th Nov 2009 7:14 am
ganon din ako nong nilalagyan pa lang ako ng harness, gusto kong umatras kaso sayang yong pagkakataon, baka di na ulit ako makarating don, masyadong malayo… hehe.. nakayanan din..
SOL on Tue, 10th Nov 2009 2:51 am
katakot naman yan.. kung titingin nga ako sa baba namin from our window,(nasa 36th floor kami at nasa taas pa kmi ng mall, so 40th talaga) e tumatayo ang balahibo ko.. yan pa kayang 70 storeys ang taas? wow!!! lakas ng loob mo!! at least u xperienced ung sinasabi nilang near death experience.. my bonus pang adrenaline starter.. wala bang adrenaline finisher (ano daw?) wahahaha…
p.s… may posibility bang maputol ang tali nyan?
Poypips on Tue, 10th Nov 2009 10:34 am
Matinding adrenaline rush pala ang na experience mo Ver near death and heaven hehehe. Oo nga malamang hindi na maulit yung ganong setting. Pero malupit itong kwento mo parang ramdam ko rin yung pagtalon mo dahil sa graphics buti at na capture lahat bago ma low bat yung camera.
Nortehanon on Sat, 14th Nov 2009 5:14 am
Nice! Mukhang yan ang kailangan ko para gumaling ang pagiging agoraphobic ko hehehe. Ewan ko lang kung kaya ng powers ko yan hehehe
gerryruiz on Tue, 8th Dec 2009 6:10 am
Truly once-in-a-lifetime experience! P’re, cgurado kang di na-iwan yung tunay mong kaluluwa doon?! hehe
ukaya explorer nikoy on Fri, 25th Dec 2009 7:36 am
nakakatakot naman yan! nakasubok na ako ng zipline pero di nakapatiwarik! haha. galing. galing ako ng bohol nung 2nd week of dec pero di kami nakadaan ng danao. sayang talaga. hopefully pag uwi ni ice sa 2010 makakapunta kami sa danao.
den on Fri, 1st Jan 2010 6:30 pm
pero sa Davao, sana pag nakapasyal ulet ako andon na kayo para may kasama na akong maglibot nga dapat mapuntahan…
Arlene on Thu, 14th Jan 2010 5:57 am
wowwwooweee. you are so brave to take the plunge! and i love their slogan at sa tingin ko napaka tama nyan. you did pay for the experience.
naiimagine ko ang nginig ng iyong buong katawan. sana sa future i would be brave to take a plunge.
thanks for sharing these beautiful takes.
den on Sun, 17th Jan 2010 3:26 pm
kaya mo yan miss Arlene, mas matibay kayong mga babae pagdating sa extreme adventures kumpara sa mga lalake.