Conquering Cape Espiritu Santo – Palapag, N. Samar
By venjo • Jan 30th, 2010 • Category: Roam
Brambila, Fernando
Vista del Puerto de Palapa la Isla de Samar
Pen and ink and Gouache on paper
Museo de America
Fernando Brambila (1763-1834) - was in charge of depicting, as faithfully as possible through seascapes and landscapes, the ports and cities that the Malaspina expedition visited. This included depiction of important buildings, as well as native constructions and dwellings, showing as much as possible the traditions and the way of life of different locals, in the streets, marketplace and countryside. He painted several views of Samar, Sorsogon, Manila and Cavite.
Brambila together with another Italian artist named Juan Ravenet joined the expedition in Acapulco in Nov 1791 and departed for Philippines on 20 December 1791.
Kinopya ko lang ang image discription at excerpt ng biography ng pintor na nabasa ko sa isang mabigat na lumang libro, may hint kasi ng Palapag eh, “Palapa” nga lang ang nakalagay pero sigurado akong Palapag yon.

Heto naman ang tanawin nong nauso na ang camera.
Sa Northern Samar ang Cape Espiritu Santo ang pinakamataas na bundok, (Magsasanga ang tawag ng mga ninuno namin sa bundok na ‘to nong unang panahon). Sa ngayon ang tanging alam ko lang ay “Halimpaparay” at “447″ ang tawag dito. Ang 447 ay ang total altitude ng bundok, 447meters.

Mula sa Smart Communications tower (2006, file) nilagyan ko ng crosshair ang kinalalagyan ko noong isang araw.

At mula sa bundok ganito ang itsura ng tower, mas maliit pa sa toothpick.

At ganito naman ang imaginary line of site ng dalawang lugar na pinagkuhanan ko ng litrato.
—————-
January 26, 2:45 ng hapon: Naglalakad kami mula sa Brgy. Maragano papuntang paanan ng Cape Espiritu Santo kasama ang isang guide at dalawang tutulong sa akin sa pagdadala ng pagkain at gamit papunta sa tuktok ng bundok. Baon ko ay dalawang 555 corned beef, isang supot ng skyflakes at sitserya. Bumili kami ng dalawang dosenang saging na saba (hilaw), sampung pirasong tuyo, dalawang litrong tubig, tig-isang kahang champion na short at Marlboro, gasera at isang kaldero. Dalawang back pack ang dala ko, isang lalagyan ng lens at camera, yong isa naman ay mga pantulog at damit (tent, jacket, first aid kit, sleeping bag, notebook, ballpen at jungle bolo). Mabigat, pinadala ko sa isang kasama namin, natira sa akin ang bag na pinaglagyan ng camera. May dala kaming celfone, tatlo at puro lowbat! tsk! tsk!

Forest entrance
Alas Tres ng hapon nasa paanan na kami ng bundok, simula ng kalbaryo. Nong una parang wala lang, di ko pa nararamdaman ang pagod, pagkatapos ng sampung minutong lakad paakyat nanuyo ang lalamunan ko. Saglit na nagpahinga, uminom ng tubig at lakad ulit. Dalawampung minuto, sumasakit na ang tagiliran ko, hirap na akong huminga, tigil ulit…… inom ng tubig, lakad na naman. 160meters above sea level sabi nong guide, tingin ako sa likod (Norte) nakita ko na ang dagat, sa harap ko naman ay paakyat na daan, namamanhid ang mga tuhod ko, nagdidilim ang paningin, kahit excited sila sa naglalakihang puno parang di ko na napapansin yon, humiga ako at humingi ng ilang minutong pahinga, napatingin ang guide sa akin.. namumutla daw ako.. inom ng tubig.. inantay kong bumagal ng kunti ang kalabog ng mga daga ko sa dibdib, tagaktak na ang pawis ko, di ko na naisip humawak ng camera, mukhang naawa yong isa at siya na nagdala ng isa pang bag na dala ko… lumiwanag ulit ang paningin ko… lakad ulit sabay tanong kung nakarating na kami sa kalahati, di pa raw sabi nong guide.. magkahalong hiya at pagod na ang nararamdaman ko dahil bumabagal ang usad namin, parang bale wala sa dalawang mas bata sa akin ang pagod, di ko alam kung san sila kumukuha ng resistensiya… ako naman ay hirap na sa paghinga, masakit na ang tagiliran ko, parang katatapos ko lang tumakbo ng 200mter dash, yon bang kalagitnaan ng hihimatayin at nanghihina…
“Ayokong mapahiya, ayokong sumuko… kagustuhan ko to..”, yan ang sinisigaw ng aking konsensiya, kaya kahit hirap at paunti-unti ang usad ay pinilit kong maglakad, bahala na…. tanong ulit ako, kunyari malakas na, “sang banda na tayo?”, “malapit na”, sagot nong guide.
Ako na yong nasa huli, panay ang pahinga, tinatandaan ko lang kung san ko huling nakita yong nauuna..unti-unting bumabalik na ulit ang normal kong lakas, lalo na nong matanaw ko na ang bayan mula sa bundok… Lakad ulit, inom, lakad pa, inom at lakad pa rin… hanggang may nadinig akong ibang boses, may kausap ang mga kasama ko, nong nakalabas ako ng kasukalan nakita ako ang tatlong kubo na gawa sa balat ng saging ang bubungan at tabla naman ang sahig at dingding, walang sarahang pinto. Basta mukha syang bahay. May ibang tao nga. Mga kaingero. Sa gubat ang kanilang pamumuhay.

Sila yon, pagtatanim ng gulay ang kanilang pangkabuhayan. Kamote, gabi, mais at pangangaso. Mababait, palangiti at excited sumamang mag-picture ng mga tanawin sa mga lugar na kabisado nila.

Kitang-kita dito ang Mt. Pamakyasan, ang bayan (malabo at masyadong malayo, di ko makunan ng litrato).

Pagkatapos mag shoot ng ilang litrato ay nilapag ko na ang mga dala ko sa isang bakanteng bahay, don daw kami matutulog, OK din kasi di na ako magbubukas ng tent.
Lumabas ulit ako para habulin sana ang sunset kaso maulap sa bandang kanluran.

Ngayon ko lang naalala na di ko pala nakuhan ng litrato ang sapa sa taas ng bundok kung saan sila kumukuha ng inumin at pampaligo. Ok naman ang lasa, walang pinagkaiba sa mga tubig poso sa bayan.

Isinama ko ang batang ‘to sa sapa, naghugas ako ng putik sa binti at paa. Nadulas pa nga ako sa tulay buti tawa lang ng bata ang nadinig ko at hindi sugat mula sa aking hinlalaki na napasukan ng matulis na kahoy.
Pagbalik namin sa bahay naglagay ako ng rubbing alcohol sa binti at naglakad-lakad sa paligid. Meron silang mga manok, may isang wild rooster na nakakulong (ilahas sa salitang waray). Napansin kong may sumusunod sa akin, napatigil ako sa paglalakad, yong bata pala sinusundan yong amoy ng alcohol mula sa binti ko. Di ko alam kung matatawa ako o maaawa, ngayon lang ako nakakita ng ganon, walang pakiaalam basta sinisinghot nya yong amoy ng alcohol! Inaya ko syang sumunod sa kin at kinuha ko yong alcohol sabay nilagyan ko ang mga braso nya, hayon di na sumunod sa akin.. sariling braso na ang inaamoy amoy nya..
Naging hapunan namin ay talbos ng kamote at tuyo, corned beef at mabangong kanin.

Palakang bukid – “Pakla”

Kinagabihan nag-aya naman ang isang lalake na manghuli daw kami ng “pakla”, isang uri ng palaka na paboritong ulamin ng mga mangangaso.

Di ko alam kung anong pinagkaiba nila, di daw pweding kainin ang isang ‘to, kulay dilaw ang paa.

Ito lang pala ang kuha ko sa sapa, dito kasi binalatan at hinugasan yong nahuli naming palaka. Aapat lang nahuli namin, masyado kasing malakas ang hangin, nabubulabog ang paligid. Naghanap siya ng dahon, katulad ng dahon na ginagamit sa paggawa ng latik. Nilagyan ng asin yong karne ng palaka at ipinatong sa apoy.
Habang inaantay kong maluto ay nagpalitan muna kami ng kwento, Sumodoy, Baboy ramo, usa, sawa at kung ano-ano pang kwentong may kwenta hanggang sa isang nilalang na nagkaroon ako ng enteres, ang “Ukú”. Nabanggit ko kasing may isa pa akong planong puntahan at libutin, ang bundok na mistulang bangkang nakataub, ang Mesa de Palapag. Sabi nong tatay nong bata ay wag ko na raw pangaraping pumunta don dahil baka daw kainin ako ng “Ukú”. Ayon sa kanila ito raw ay nilalang na ang kalahati ng katawan ay tao at ang buong parte ng paa ay kabayo. Centaur! Ang alam ko kasi sa ganitong nilalang ay isang classical mythology lang, yon bang sa mga movie lang nakikita tulad ng Narnia. Parang mas gusto ko nang pumunta don kesa sa umatras.
Maya-maya lang nangangamoy, amoy sunog!.. Luto na pala ang palaka, nilipat sa pinggan at binigay sa akin, sabay sabi, “tadihi man kuno an amo paborito dinhi sa kagurangan” (tikman mo ang pinaka paborito namin dito sa gubat). Parang bumalik ako sa lumang panahon, at nadidinig yong binibiggkas ni Sumoroy bago patayin si Barberan, “Cay lalaque man aco nga gayud, sugad san iba nga calalaquen-an!” (..dahil alo ay tunay na lalake katulad ng ibang kalalakehan)…
Masarap din pala yong palakang bukid, mas masarap pa sa manok na nabibili sa palengke, yong may nakatatak na “broiler for sale”.. maagang natulog yong dalawa naming kasama at yong isa naman, ang guide, ay di kumakain ng palaka kaya solo kong natikman sa unang pagkakataon ang paboritong pulutan ng mga mangangasong trip ang mag-iinuman sa gitna ng kagubatan.
Tuloy ang kwentuhan namin, at pinag-usapan ang gagawin sa susunod na araw, ang pagdalaw sa kwebang tinawag na “Pirikohan” o “bahay ng mga sawa”, ang pinakamalalim na kweba sa Cape Espiritu Santo. Maya maya lang inantok na yong guide namin at nagpaalam na kami, goodnight na, bukas ulit!

Cape Espiritu Santo view from Mt. Pamakyasan…

gerryruiz on Sat, 30th Jan 2010 6:13 am
Hanep ang adventure mo, Denver! Must have been really tough going up I doubt kung makakaya ko!
den on Sat, 30th Jan 2010 6:35 am
kaya mo siguro, hinay hinay la parehas han akon ginhimo hehehe… sige la an akon pahuway, nababaraka na an usa nga guide hehehe…
sol on Sat, 30th Jan 2010 4:28 pm
magpalakas ka na para sa next adventure mo, “ang paghaharap nila denver at ni uku” kasi kung totoong nanghahabol yun, (e kabayo ba naman ang katawan di mabilis xa tiyak), dapat prepared ka.. pero sa totoo lang, excited na akong malaman kung totoo nga ba yon o gaya ng sabi mo, myth lang… at syempre bago ko tapusin to, i just wana say, “ang galing mo talaga!! imagine pati palaka natikman mo na hehehe… joke lang, what i really wana say is, “nakakabilib ang mga adventures mo at syempre sulit dahil ang galing mo ng magkodak, ang galing mo pang magsulat!!!”
Poypips on Sun, 31st Jan 2010 8:29 am
Extreme adventure at saka very affordabe yung budget ng hiking mo Ver pero yung experience worth a lifetime . Malupit yung balitaktan mo hindi ko namalayan tapos na hihirit pa sana ako ng more
. Aabangan ko yung picture taking mo sa taong kabayo (tayhu) naman ang tawag sa amin sa ganuong nilalang hehehe.
den on Tue, 2nd Feb 2010 5:43 am
@ sol: thanks
@Pipoy: meron din palang “Uko” version sa inyo
?, ngayon ko lang nalaman na meron pala talagang ganong nilalang dito sa Visayas, sana, sana makita siya sa zoom lens ko..
Nortehanon on Wed, 3rd Mar 2010 3:15 am
How I wish…how I wish I have lots and lots of time to explore our beloved province. Inggit ako sa adventure mo na ito! Photowalk tayo minsan dyan hahaha
By the way, I have sent you a message sa contact form mo re: Pens of Hope. Paki-check na la. Damo nga salamat.